Tiklo ang sinasabing NPA Commander na si Rey Iniro na nahaharap sa mga kasong Murder at paglabag sa Anti-Terrorism Act makaraang mamataan ng mga otoridad sa Tanza, Cavite.
Naaresto ang suspek matapos na maharang ng arresting officer ng National Bureau of Investigation (NBI).
Sa bisa ng dalawang warrant of arrest, binitbit ng NBI Cavite District Office North si Iniro.
Natukoy ang npa commander dahil sa kanyang bukol sa likod na nagsilbing palatandaan ng mga otoridad.
Nakuha dito ang kanyang cellphone at mga anting-anting na nasa katawan nito.
Nasamsam din kay Iniro ang matataas na kalibre ng baril mula sa mahigit 30 NPA members na sumuko tropa ng pamahalaan sa Camarines Norte.
Isinuko din ng suspek sa National Capital Region Police Office ang ilang mga ammunition at hand-held radios.