Nakipagkita sa mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kumander ng pinakamalaking fleet command ng Estados Unidos.
Binigyang diin ni Admiral Scott Swift, kumander ng United States Pacific Fleet ang matagal nang alyansa sa pagitan ng American Navy at ng AFP.
Kabilang sa mga nakausap ni Scott si Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano, defense Secretary Delfin Lorenzana, AFP Chief of Staff General Eduardo Año at Philippine Navy Flag Officer Vice Admiral Ronald Mercado.
Ang pagbisita ni Scott ay kaalinsabay ng kumpirmasyon ng US na nagbibigay sila ng technical assistance sa pakikipaglaban ng militar sa Maute Group sa Marawi City.
By Len Aguirre