Isang pag-aaral sa Oxford ang lumabas na nagkakapag-produce ng mas epektibo sa immune system ng tao ang pagpapaturok ng kumbinasyong bakuna ng Pfizer at Astrazeneca.
Batay sa pag-aaral na tinawag na Com-Cov, lumabas na mayroong high concentration ng antibodies laban sa COVID-19 kung magpapabakuna ng pfizer apat na linggo makalipas magpaturok ng Astrazeneca.
Pinatutunayan umano ito ng datos mula sa naging desisyon ng European countries na nagsimulang mag-alok ng alternatibong second dose vaccine para sa first dose na Astrazeneca.
Sa ngayon ay nasa 80% na ng adults sa Britain ang nakakatanggap ng first dose.