Tuluyan nang sinuspinde ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang prangkisa ng Buena Sher Transport na biyaheng Sta. Maria sa Bulacan patungong Cubao
Ito’y makaraang masangkot sa aksidente ang isa sa mga Bus Unit nito sa bahagi ng Valenzuela Exit ng NLEX o North Luzon Expressway nitong Biyernes na ikinasawi ng 8 at ikinasugat ng dose-dosenang pasahero
Agad iniutos ni LTFRB Chairman Martin Delgra ang paglalabas ng Preventive Suspension Order laban sa Buena Sher habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente
Nagpadala na rin aniya ng kinatawan ang PAMI O Philippine Accident Management Incorporated upang alamin kung anong tulong ang maibibigay sa pamilya ng mga nasawi gayundin sa mga sugatan
Ipinag utos din ni Delgra sa naturang kumpaniya ng bus na sagutin ang lahat ng gastusin para sa mga nasawi maging sa mga nasugatan dahil sa insidente
Batay sa paunang imbestigasyon, mabilis na binabaybay ng Buena Sher ang Northbound Lane ng NLEX sa bahagi ng Valenzuela nang bigla itong bumangga sa Concrete Barrier at tumilapon sa Southbound Lane na nagresulta naman sa mabigat na daloy ng trapiko sa lugar