Ikinakasa na ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang isasampa nilang reklamo sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Laban ito sa BF Corporation na siyang developer ng nagpapatuloy na reclamation project sa ilog Marikina na siyang nag-ambag sa malawakang pagbaha sa kanila noong kasagsagan ng bagyong Ulysses.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, ang BF Corporation ay pagmamay-ari ng dating alkalde at ngayo’y Marikina Rep. Bayani Fernando.
Pagbubunyag pa ni Teodoro, walang pinanghahawakang environmental compliance certificate (ECC) ang BF Corporation ni Fernando para sa naturang proyekto.