Pinasabugan ng ied o improvised explosive device ang establisimyento na pag–aari ng kontrobersyal na negosyanteng si Peter Lim sa Mandaue City sa Cebu.
Ayon kay PO3 Frederick Andales ng Subang-Daku Police Station, pinasabugan ang bahagi ng gusali kung saan naroon din ang opisina ni Lim.
Wala naman aniyang nasaktan sa nasabing insidente pero nadamay ang ilan sa mga kotse na nasa labas ng establisimyento.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nangyaring pagpapasabog at tinitingnan kung may kinalaman ito sa iligal na droga.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na isang big-time drug lord si Peter Lim ngunit itinanggi ito ng negosyante at sinabing hindi siya ang Peter Lim na tinutukoy ng Pangulo.