Kusa nang ni-recall o binawi sa merkado ng kumpanyang Kauffman Pharma ang kanilang produktong Bravo, maca + jatropha + corynaea crassa food supplement for men na may lot number ABV38F26T.
Ito ay matapos makitaan ng Food and Drug Administration (FDA) na nagtataglay ng tadalafil na isang prescription drug para sa erectile dysfunction ang nabanggit na batch ng kanilang food supplement.
Kaugnay nito, binigyang diin ng Kauffman Pharma na walang sangkap ng tadalafil ang kanilang produkto.
Posible anilang isang compound na katulad lamang ng tadalafil pero hindi mismo ang nabanggit na prescription drug.
Samantala, inataasan na ng FDA ang Kauffman Pharma na magpaliwanag hinggil sa kanilang natuklasan.