Sinalakay ng National Bureau of Investigation ang kumpanyang namimirata umano ng Japanese Firm Computer Program na nakabase sa Cebu.
Nasagawa ang NBI – Cebu District Office ng Warrant to Search, Seize and Examine Computer Data, laban sa mga may-ari, empleyado at occupants ng kompanya sa apas Barangay Lahug, Cebu City.
Wala namang naaresto ang NBI pero nakumpiska ang ilang computer units, laptops, removable storage media, servers at routers.
Hinihintay pa ng ahensya ang resulta ng forensic examinations sa mga nakumpiskang aparato para sa paghahain ng kasong paglabag sa Anti-Cybercrime Law laban sa mga empleyado at may-ari ng kompanya.
Nag-ugat ang operasyon nang makatanggap ng reklamo ang NBI- mula sa Japanese Corporation na mayroong ibang kompanya ang iligal na gumagamit sa kanilang computer program.
Ang nasabing Japanese Firm ay nakikibahagi sa pagbebenta at pag-e-export ng mga sasakyan mula sa Japan patungo sa iba’t ibang bansa.