Ipinasasara na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang South Davao Development Corporation o SADECO na pagmamay-ari ng pamilya Consunji na nakabase sa Zamboanga Peninsula.
Ito’y makaraang iulat sa Pangulo ang pinsalang idinulot ng nasabing kumpanya sa kabundukan ng Zamboanga dahil sa illegal logging operations nito.
Matapos ang cabinet meeting sa Malakanyang nitong Lunes, Enero 9, dakong 11:00 gabi, galit na inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na maglabas ng closure order laban sa nasabing kumpanya.
Magugunitang isinisi ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa illegal logging operations ng naturang kumpanya na siyang naging sanhi ng pagkasawi ng pitongpu (70) nang manasala ang bagyong Vinta noong isang taon dahil sa landslide at flashflood.