Walang kompetisyon sa pagitan ng Japan at China.
Ito ang naging paglilinaw ni incoming Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng naging headline ng Japan Times noong bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte kung saan tinukoy na tila sinusuhulan ng Tokyo ang Pilipinas para ito ang suportahan sa halip na sa China sa isyu ng West Philippine Sea.
Ayon kay Roque, walang pinapaburan ang bansa bagkus ay mas nais nitong maging kaibigan ang lahat.
Ipinaliwanag din ni Roque, hindi kabilang ang Beijing sa claim sa pinag-aagawang teritoryo sa halip ito ay third party lamang.
Posibleng nagkataon lamang na parehong malaking halaga ang ipagkakaloob na tulong ng nasabing dalawang bansa sa Pilipinas at malinaw na wala rin itong kondisyon.
Naniniwala naman si Trade Secretary Ramon Lopez na kahit pa hindi nagbigay ng tulong ang China ay tutulong at magiging galante pa rin ang Japan sa ating bansa.
—-