Umabot na sa 26 ang kumpirmadong kaso ng cholera sa Negros Occidental.
Ayon kay Negros Occidental provincial health officer Dr. Ernell Tumimbang na ang pagdami ng kaso ay bunsod ng poor sanitation sa lugar.
Kaugnay nito, mino-monitor na ng awtoridad ang mga water sources sa Talisay City, Silay, EB Magalona, Victorias City at Calatrava dahil sa posibleng pagkakaroon ng kontaminasyon.
Dapat din aniyang paigtingin ang pagmo-monitor sa mga water refilling stations upang malaman kung sumailalim sa tamang treatment ang mga ibinebentang tubig sa lugar.
Una nang sinabi ng pamahalaang panlalawigan na walang naitalang kaso ng cholera sa lugar noong 2019.