Patuloy ang pagsirit ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa na rumehistro na sa halos 2.3M matapos maitala sa 16, 989 ang mga bagong kaso ng nasabing virus.
Ayon sa DOH, ang active cases ng COVID-19 ay nasa 170, 446 kung saan 85. 4% ang mild, 9.8% ang asymptomatic, 1.4% ang severe at 0.7% ang critical condition.
Pumapalo na sa 2,076, 823 ang total recoveries matapos madagdag ang 24,123 patients na naka-recover mula sa COVID-19.
Samantala, 214 ang naitalang mga bagong nasawi sa virus, kaya’t umakyat na sa 35,742 ang death toll.