Sumirit na sa 2 million mark ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ito ay ayon sa DOH matapos maitala sa 14,216 ang mga bagong kaso ng COVID-19.
Dahil dito, pumalo na sa halos 141,000 ang active cases ng virus kung saan 96. 1% ang mild, 1.1% ang asymptomatic, 1.2% ang severe at 0.6% ang critical condition.
Sumipa naman sa mahigit 1.8 million ang total recoveries kabilang na ang 18,754 patients na mga bagong gumaling sa COVID-19.
Samantala, umakyat na sa 33,533 ang death toll kung saan 86 ang mga pasyenteng pinakahuling nasawi sa nasabing virus.