Aabot na sa mahigit 100 milyon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling datos, nasa kabuuang 187,647,215 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Sa naturang bilang, Estados Unidos pa rin ang bansang may pinakamaraming kaso ng nakamamatay na virus na aabot sa kabuuang 34,732,753.
Sinundan naman ng India na may 30,874,376 na nagpositibo sa pandemya.
Nasa 19,089,940 naman ang kaso sa Brazil habang 5,812,639 ang napaulat na kaso sa France.
4,049,338 naman ang bilang ng mga namatay sa virus, habang 171,603,940 naman ang naka-rekober o gumaling na sa COVID-19 sa buong mundo.