Nakapagtala ng panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Cavite.
Ito ang kinumpirma ni Governor Jonvic Remulla kung saan naka confine aniya ang ikalawang kaso ng sakit sa isang pribadong ospital sa Silang.
Ang naturang pasyente umano ay isang medical practitioner.
Kasabay nito nagpaalala si Remulla sa mga residente ng Cavite na sumunod sa lahat ng alituntunin sa ilalim ng community quarantine sa Metro Manila.