Karagdagang 6,637 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa pinakahuling datos ng Department Of Health umakyat na ang COVID-19 case sa bansa sa 1,080,172.
Mayroon naman 6,091 na nadagdag sa bilang ng mga nakarekober mula sa sakit.
Habang 191 ang karagdagang nasawi dahil sa COVID-19.