Umabot na sa limampu’t pito ang kumpirmadong kaso ng Japanese encephalitis ang naitala ng Department of Health simula noong Enero.
Inaalam na ng Research Institute for Tropical Medicine sa pamamagitan ng mga test kung ang sanhi ng pagkalat ng sakit ay ang pagkamatay ng dalawampung taong gulang na engineering student na si Danica Rose Salangad sa San Fernando, Pampanga.
Ayon kay Health Spokesman, Dr. Eric Tayag, pinaka-marami ang naitalang kaso ng Japanese encephalitis sa Pampanga na tatlumpu’t dalawa.
Bagaman kabilang sa mga sintomas ng virus ay lagnat, mayroon anyang mga kaso ng naturang sakit na walang sintomas o asymptomatic.
Ang Japanese encephalitis ay nakukuha sa kagat ng lamok na karaniwan na sa mga agricultural area.