Aabot na sa higit 500 milyon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa datos, umakyat na sa kabuuang 547,049,681 na tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Ang Estados Unidos pa rin ang bansang may pinakamaraming kaso ng nakamamatay na virus na aabot sa kabuuang 88,566,961 na kaso.
Sumunod na rito ang india na may 43,365,016 na nagpositibo sa virus.
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,347,816 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 522,833,075 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.