Tila nawalan ng pag-asa na makumpirma ng limang Duterte appointees kabilang ang tatlong opisyal ng Commission on Elections (COMELEC) matapos na ma-bypass ng Commission on Appointments (CA) ang kanilang ad interim appointments.
Kabilang sa mga hindi na nakumpirma ng ca sina:
- Commission on Audit (COA) Chairperson Rizalina Noval Justol
- Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Nograles
- Commission on Elections (COMELEC) Chairperson Saidamen Pangarungan
- COMELEC Commissioner Aimee Torrefranca-Neri
- At COMELEC Commissioner George Garcia
Nabatid na nilaktawan ng Bicameral Commission ang kanilang appointment dahil hindi na pwedeng magsagawa ng hearing at plenary deliberations ang CA sa pag-adjourn ng sesyon ng kamara bukas, Hunyo a-3.
Dahil dito, dismayado si COMELEC Commissioner George Garcia hinggil sa pag-bypass ng CA.