Haharangin ng COMP o Chamber of Mines of the Philippines ang kumpirmasyon ni Department of Environment and Natural Resources or DENR Secretary Gina Lopez.
Isang opposition paper ang inihain ng COMP sa tannggapan ng Commission on Appointments.
Kamakailan lamang ay ipinag-utos ni Lopez ang pagpapasara ng 23 minahan, habang sinuspinde ang limang iba pa matapos ang isinagawang environmental audit ng DENR.
Umaray ang COMP sa naturang kautusan ng kalihim kung saan pito nilang miyembro ang nasa listahan ng ipasasara at dalawa naman ang sususpendihin nang wala man lang silang natatanggap na kautusan mula sa kagawaran.
By Meann Tanbio
Photo Credit: Chamber of Mines of the Philippines or COMP Twitter Account