Sinuspindi ng Commission on Appointments (CA) ang kumpirmasyon ng nominasyon ni Secretary Judy Taguiwalo bilang kalihim ng DSWD o Department of Social Welfare and Development.
Marami pa sa mga miyembro ng CA ang nagpahayag ng kagustuhang makapagtanong kay Taguiwalo kaya’t muli itong pinahaharap sa confirmation hearing sa susunod na linggo.
Sa isinagawang hearing, inamin ni Taguiwalo na inendorso siya bilang DSWD Secretary ng NDF o National Democratic Front subalit itinanggi nito na miyembro sya ng grupo.
By Len Aguirre |With Report from Cely Bueno