Ibinasura ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang pagkakatalaga kay Rafael ‘Ka Paeng’ Mariano bilang kalihim ng DAR o Department of Agrarian Reform.
Inanunsyo ito ni Senate Majority Leader Tito Sotto na siyang chairman ng Committee on Agrarian Reform.
Batay sa resulta ng botohan, lumalabas na 13 miyembro ng CA ang tumutol na makumpirma si Mariano.
Sinabi ni Sotto na matagal niya nang personal na kakilala si Mariano at batid nitong angkop ang kakayahan ni Mariano para sa naturang posisyon.
Kaya naman ganito na lamang aniya kabigat sa kanyang kalooban ang nagging desisyon ng mayorya ng CA.
Si Mariano ang ikaapat na opisyal ng gabinete na ni-reject ng CA.
Una nang nabasura ang nominasyon nina dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., dating Environment Secretary Gina Lopez at Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo.
By Ralph Obina
SMW: RPE