Ipinagpaliban ang nakatakdang pagdinig ngayong araw na ito sa kumpirmasyon nina Environment Secretary Gina Lopez at Education Secretary Leonor Briones dahil sa rigodon sa Senado.
Ayon kay Senador JV Ejercito miyembro ng CA o Commission on Appointments kailangan pang i reorganize ang senate contingent ng CA base na rin sa bagong set up ng mataas na kapulungan.
Hindi naman nasabi ng Committee on Environment and Natural Resources at maging ng Committee on Education kung kailan na uubrang isalang sa appointment hearings ang dalawang miyembro ng gabinete.
By: Judith Larino