Humihina na ang impluwensya ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa miyembro ng kamara makaraang patuloy na tahasang ipakita ang pagtalikod sa napagkasunduang term-sharing kay Marinduque Congressman Lord Allan Velasco.
Ani Buhay Partylist Representative Lito Atienza, mas nalagay sa alanganin ang posisyon ni Cayetano nang matanggal si 1 Pacman Representative Mikee Romero bilang Deputy Speaker.
Paliwanag nito, kung iisipin, malaki-laki rin ang impluwensya ni Romero sa partylist coalition na aabot sa 54 ang miyembrong kongresista.
Pagdidiin pa ni Atienza, sigurado na ang suporta kay Velasco ng PDP-laban na may 65 kongresista ang kaalyado.
Idagdag mo pa ang nasa 35 kongresista mula sa national people’s coalition na naghahayag din ng suporta kaya velasco para mamuno bilang bagong speaker.
Giit pa ni Atienza, dismayado na rin ang ilang miyembro ng kamara na kaalyado ng Pangulo dahil sa pagsuway ni Cayetano sa term-sharing.