Hinihintay pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kumpletong interpretasyon ng desisyon ng Arbitral Tribunal.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ibibigay ni Solicitor General Jose Calida ang nasabing paliwanag sa loob ng 5 araw.
Ibinaba ng Permanent Court of Arbitration ang hatol nito hinggil sa agawan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea kung saan pumabor ito sa Pilipinas.
Batay sa pasya ng nasabing korte na nasa the Hague, Netherelands, walang basehan ang sinasabi ng China na 9-dash line na siyang pinanghahawakan nito sa pag-aangkin ng teritoryo.
By: Avee Devierte