Isang kumpletong package ang naghihintay sa mga nasa Metro Manila na gusto nang magbalik sa kani-kanilang probinsya.
Sa ilalim ito ng House Bill 6674 o Balik Probinsya Public Housing and Relocation Act na inihain ni Cong. Alexie Tutor ng Bohol matapos maglabas ng executive order ang Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa Balik Probinsya Program.
Ayon kay Tutor, umaasa syang magiging mabilis ang pag-usad ng kanyang panukala sa kongreso upang makahikayat ng mas maraming magbabalik probinsya at mapaluwag ang Metro Manila.
Parang isang package that is waiting for you pag umuwi ka. Isang package ito, mayroon ng job, employment, ‘yung community na lalagyan mo is malapit sa mga eskwelahan, malapit sa mga job opportunities, so, one package talaga,” ani Tutor. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas