Posibleng kinompromiso ni retired SPO3 Arthur Lascañas ang kakayahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pamunuan ang bansa.
Ayon kay Senador Riza Hontiveros, sa tila public confession na ginawa kahapon ni Lascañas hinggil sa kanyang mga pagpatay na umano’y utos ni noo’y Davao City Mayor Duterte, lumakas ang suspetsang may pahintulot ng gobyerno ang mga extrajudicial killing sa bansa.
Kaugnay nito, nanawagan si Hontiveros sa senado na pagbigyan ang kumpletong pagsisiwalat ni Lascañas ukol sa Davao Death Squad at ang umano’y pagkakasangkot ng Pangulo rito.
Bilang tugon, sinabi ni Senate President Koko Pimentel na maaaring maghain ng resolusyon ang sinumang Senador na naniniwala sa mga pahayag ni Lascañas.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Sen. Koko Pimentel
By: Avee Devierte / Cely Bueno