Kung ayaw nating makipagtulungan, huwag po tayong magsisihan.”
Ito ang naging panawagan ni Col. Bong Nebrija, EDSA traffic czar ng MMDA, sa panayam ng DWIZ, sa gitna ng girian sa pagitan ng mga commuters, mga motorista at ng MMDA.
Nebrija: Kung ayaw po nating makipagtulungan, pwede po ba, huwag nalang tayong magsisihan.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 10, 2019
Kaugnay pa rin ito ng mas pina-igting pang pagpapatupad ng yellow lane policy sa kahabaan ng EDSA kung saan marami sa mga mananakay at mga motorista ang lubha umanong naapektuhan.
Mariin ding pinabulaanan ni Nebrija ang naging pahayag ni Senadora Grace Poe na pinag-eeksperimentuhan umano ng MMDA ang mga mananakay sa kanilang mga ipinatutupad na polisiya sa EDSA.
Nebrija: Alam namin ang ginagawa namin, alam namin kung anong dapat naming ipatupad, wag niyo naman ho kaming sabihan na pinag-eeksperimentuhan namin ang mga commuters.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 10, 2019
Paglilinaw pa muli ni Nebrija, matagal ng umiiral ang naturang polisiya at ang kanila na lamang ginagawa ay pagpapaigting sa pagpapatupad nito.
Giit ni Nebrija kay Poe, huwag silang paratangan ng pag-eeksperimento sa mga mananakay bagkus ay bigyan sila ng kapangyarihan at polisiya upang maayos ang hindi matuldukang problema sa matinding trapiko sa EDSA.
IZ Balita Nationwide Interview