Binuweltahan ni Senate Blue Ribbon Sub-Committee Chairman Senator Koko Pimentel ang kampo ni Gerry Limlingan sa pahayag nitong hindi siya dummy ni Vice President Jejomar Binay sa halip ay lehitimong negosyante.
Ayon kay Pimentel, dapat humarap sa senado si Limlingan kung lehitimo siyang negosyante hindi dummy ni Vice President Jejomar Binay.
Ayon sa senador, walang bisa ang naging pahayag ng abogado ni Limlingan na si Atty. Grace Reyes dahil hindi naman ito notaryado lalo’t sa media lamang nito inihayag ng kanilang panig.
Naniniwala naman si Pimentel na hindi ang senado ang pinatutungkulan ni Limlingan kundi ang Anti-Money laundering Council (AMLC) na umungkat sa kanyang mga bank accounts na umano’y naglalaman ng bilyon-bilyon piso na iniuugnay kay Binay.
By Mariboy Ysibido