Bigo pa rin ang kampo ni Senador Bongbong Marcos na maglabas ng mga ebidensya kontra sa kampo ni vice-president elect Leni Robredo kaugnay ng diumano’y dayaan noong nakalipas na halalan.
Ayon Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Robredo, pagpapatunay lamang aniya ito na walang ebidensya ang kampo ni Marcos laban kay Robredo dahil hanggang sa ngayon ay wala itong ma-ipresenta sa publiko.
Dagdag pa ni Macalintal, kung may ebidensya si Marcos ng dayaan ay inilabas na niya ito agad sa publiko at hindi na hihintayin pa ang proper forum.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Romulo Macalintal
Under votes
Mahigit sa 12 milyong botante ang hindi bumoto ng partylist nitong May 9 elections.
Ayon kay election lawyer Romulo Macalintal, isa sa mga abogado ni Vice President-elect Leni Robredo, normal lamang na nangyayari ang under votes mula pa noong 1935 elections.
Pinayuhan ni Macalintal ang mga kumandidato sa halalan na kalimutan na ang paghahain ng protesta kung under votes lamang ang kanilang ebidensya.
Una nang kinuwestyon ng kampo ni Senador Bongbong Marcos ang napakaraming under votes nitong nakaraang halalan na di umano’y nakaapekto sa bilang ng boto ni Marcos sa pagka-bise presidente.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Romulo Macalintal
By Mariboy Ysibido | Balitang Todong Lakas | Len Aguirre