Ang kagat ng aso ay maaaring magdulot ng malubhang pinsala sa kalusugan ng tao.
Maaaring magdulot ito ng punit o bukas na sugat, na posibleng dumugo depende sa lalim at lakas ng kagat. Ang panganib ng impeksyon ay nakasalalay sa uri ng aso at sa kalinisan ng kapaligiran.
Narito ang mga hakbang na dapat sundin kapag nakagat ng aso:
Una, hugasan agad ang sugat gamit ang dumadaloy na tubig mula sa gripo. Mas mabisa kung gagamit ng antiseptic cleanser o solution sa loob ng 5 hanggang 10 minuto.
Pangalawa, pabagalin ang pagdurugo sa pamamagitan ng paglalagay ng pressure sa sugat at pagtaas ng bahaging nakagat.
Pangatlo, maglagay ng over-the-counter antibiotic ointment upang maiwasan ang impeksyon.
Pang-apat, kapag naalagaan na ang sugat, magpunta agad sa ospital at magpakonsulta sa doktor para sa karagdagang medikal na atensyon.
Iwasan ding mag-panic at siguraduhing maayos ang paunang lunas.—sa panulat ni John Riz Calata