Dumagsa ang libu-libong deboto sa Barangay Sta. Lucia sa bayan ng Sasmuan, Pampanga para makiisa sa Kuraldal Festival ni Apung Lucia.
Mula ang salitang “Kuraldal” sa salitang Español na “Curar” na ang ibig sabihin ay “To heal or to cure” at “dal” na isang salitang sanskrit na nangangahulugang “split,” kaya ang kabuuang kahulugan ay “to heal and away with illness.”
Dumarayo ang mga deboto sa bayan dahil sa pinaniniwalaang nakapagpapagaling ang santo ng iba’t ibang sakit.
Ipinagdiriwang ito sa bayan ng sasmuan sa loob ng 5 araw simula Enero 6. Sa ika-5 araw, gaganapin ang isang “kawakasan” o pangwakas” na okasyon para tapusin ang pagdiriwang.
Samantala, iba ang bersiyon ng kuraldal sa bayan ng Sta. Ana, pampanga dahil bukod sa prusisyon nagsasayaw din ang mga deboto sa “kuraldal” at tumatagal ito dahil dinadala ang mga imahe ng santo o patron ng bawat barangay sa bawat kalye, eskinita at loob ng bawat bahay. - sa panunulat ni Maze Aliño-Dayundayon.