Pangunahing alalahanin ng mga botante para sa partylist groups ang tumataas na presyo ng bilihin at korapsyon sa pamahalaan.
Sa Tangere survey, binigyang-diin ang mga isyung nais ng mga botante na tugunan ng mga party-list representatives.
75% ang nagsabing dapat solusyunan ang tumataas na presyo ng mga pangunahing pangangailangan habang 74% naman ang umaasa sa mas mahigpit na batas kontra kurapsyon.
Alalahanin din para sa mga botante ang usaping pangkalusugan kung saan 73% ang nagsabing kailangan ang mas mahusay na serbisyo sa mga pampublikong ospital habang 70% din ang umaasa sa pagbibigay prayoridad sa pagpapabuti sa rural health care.
Bukod sa mga nabanggit, nais din ng 72% ng respondents na pagtuunan ng mga party-list ang pagkakaroon ng mas maraming trabaho kasabay ng 70% na nanawagan para sa taas-sahod sa mga manggagawa. – Sa panulat ni Laica Cuevas