Naglunsad ng assault ang Kurdish Iraqi fighters kaagapay ang US lead coalition sa strategic town ng Sinjar kung saan nagkukuta ang mga miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.
Ayon sa ulat, tinatayang nasa 7,500 Peshmerga fighters ang sumugod sa lugar at nakipagpalitan ng putok sa mga militante.
Habang binomba naman ng US led coalition warplanes ang paligid ng sinjar na bahagi ng kanilang opensiba.
Layon ng naturang pag-atake na maputol ang aktibong supply lines ng ISIS na Highway 47.
Ang mga daanang ito ang nagsisilbing ruta ng mga ibinibiyaheng armas at pagkain ng mga miyembro ng ISIS.
By Ralph Obina