Libre na ang kuryente ng mga kabahayang nakakakonsumo lamang ng 50 kilowatt hour kada buwan na sakop ng mga electric cooperatives sa Luzon, Visayas at Mindanao para sa buwan ng Marso at Abril.
Ayon kay Inter Agency Task Force (IATF) Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, napagkasunduan ito ng National Electrification Administration at mga electric cooperatives sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Sa ilalim aniya ng pantawid liwanag, nasa mahigit 3-M mahihirap na customers ng electric cooperatives ang magbebenepisyo sa libreng kuryente.
Samantala, nananatili naman ang grace period na ibinibigay sa mga kumokonsumo ng mahigit sa 50 kilowatt per hour kada buwan.