“Sapat at hindi kulang” ito ang pagtitiyak ng Department of Energy sa suplay ng kuryente sa bansa.
Ayon kay Zamboanga City Rep. Manuel Jose Dalipe, ang power supply na aabot sa 1,800-megawatts (mw) power ay nakareserba na umano para sa May 2022 National Election.
Aniya, walang magiging problema sa eleksiyon dahil sobra pa ang suplay ng kuryente sa bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero