Hindi pa rin naibabalik ang kuryente sa ilang parte ng Lanao del Sur.
Ito’y dahil ayaw umanong papasukin ng landowner ang mga lineman ng National Grid Corp. of the Philippines o NGCP para ayusin ang linya.
Matatandaang binomba ang tower na kumokonekta sa Agus 1 at Agus 2 power plants dahilan upang mabalot ng dilim ang mga lugar na pinagseserbisyuhan nito.
Binigyang diin umano ng may-ari ng lupain kung saan nakatayo ang pasilidad na hindi pa nakakabayad ang gobyerno sa atraso nito kaya’t hindi ito maaaring pumasok dito.
Dahil dito, nagbabala ang NGCP na hangga’t hindi nakakagawa ang pinasabog na tower ay magpapatuloy ang rotating brownouts sa mga apektadong lugar.
By: Jelbert Perdez