Posibleng maibalik sa susunod na dalawa o tatlong linggo ang supply ng kuryente sa Bohol, Samar at Southern Leyte matapos yanigin ng magnitude 6.5 na lindol.
Ito ayon kay Energy Undersecretary Jesus Posadas ang pagtaya nila sakaling kaagad nilang maabot ang mga pasilidad na kailangang i repair o naapektuhan ng malakas na lindol.
Sinabi ni Posadas na naihanda na ng NEA o National Electrification Administration ang mekanismo para sa isang quick response fund na ilalaan sa repair ng mga nasirang pasilidad ng mga electric cooperative.
By: Judith Larino
Kuryente sa mga apektado ng lindol posibleng maibalik sa mga susunod na lingo – DOE was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882