100% porsyento nang naibalik ng Manila Electric Company (Meralco) ang suplay ng kuryente sa mga lugar na kanilang sineserbsyuhan na sinalanta ng bagyong Ulysses.
Ayon sa Meralco, batay sa kanilang pinakahuling datos noong Nobyembre 24, naisaayos na nila ang lahat ng kanilang mga pasilidad at electric service na naapektuhan ng bagyo.
Magugunitang, umaboy sa 3.8 milyong mga customers ng Meralco ang nawalan ng kuryente sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ulysses.
Habang hindi agad naibalik ng Meralco ang suplay ng kuryente sa ilang lugar dahil kanila pang hinintay na bumaba ang tubig-baha.