Tuluyang nakubkob ng militar ang kuta ng grupo ng Indonesian terrorist sa Lanao del Sur.
Ayon kay AFP PIO Chief Lt. Col. Noel Detoyato, todong opensiba ang ginawa nila sa bayan ng Butig.
Bukod sa pinakawalang artillery fire, ginamit na rin ng mga sundalo kontra mga terorista ang remote control na tangke para tuluyang ma-neutralize ang mga kalaban.
Sinabi ni detoyato na ito ang dahilan kaya’t kakaunti ang nasawi sa panig ng militar.
Hindi pa matiyak ni Detoyato kung tuluyang napilayan ang grupo sa kanilang operasyon kaya’t tuluy-tuloy ang opensiba nila laban dito.
By Judith Larino | Jonathan Andal