Tuluyan nang nakubkob ng militar ang malaking kuta ng grupong Maute Group matapos ang walong (8) araw na pagtugis sa Butig, Lanao del Sur.
Ayon kay 103rd Infantry Brigade Commander Col. Roseller Muriilo, hindi naging madali para sa mga sundalo na basagin ang depensa ng Maute Group dahil mistulang nakadesenyo ang mga bahay para hindi tablan ng bala.
Patuloy aniyang sinusuri ng militar kung mayroong iniwang mga patibong ang rebelde at kung mayroong kagamitan na makatutulong para sa pagtugis sa mga natitira pang miyembro ng grupo.
Ang naturang grupo ay sumusuporta sa international terrorist na ISIS.
By Rianne Briones