Handang bombahin ng Pangulong Rodrigo Duterte ng kuta ng mga narco-politicians na mayroong private armies.
Binigyang diin ng Pangulo na hindi puwedeng ipagyabang ng mga narco-politicians ang kanilang private armies dahil walang laban ang mga ito sa mga fighter jets at puwersa ng pamahalaan.
Kasabay nito, kinumpirma ng Pangulo na nadagdagan pa ang mga pangalan sa kanyang narco-list.
“Huwag kayong magsabi na may army kayo diyan, hindi naman makatulong sayo yan, even if you have 100 or 200 armed men, hindi makakatulong sayo yan, bakit ka lalaban ka sa akin, may 12 ako na A-15 na jet bombahan lang kita diyan ng lima, gagamitin ko talaga ang puwersa ng gobyerno, balang-araw patikimin ko yan, ang order ko talaga ay pasabugin mo, kapag nagkamali pasensya.” Pahayag ng Pangulo
By Len Aguirre