Nakubkob ng militar ang isang hinihinalang kuta ng New People’s Army (NPA) kasunod ng sagupaan sa Barangay Tigmarabo, Miagao, Iloilo.
Ayon sa 61st Infantry Battalion ng Philippine Army, habang nagsasagawa ng security patrol operation ang mga sundalo ay naka-engkwentro nila ang tinatayang apat napung mga rebelde na pinamumunuan ng isang Joven Ceralvo alyas Ka Lex.
Makaraan ang dalawampung minutong bakbakan, nadiskubre ng militar ang hideout ng NPA kung saan narekober mula rito ang isang 12-gauge shotgun, isang homemade shotgun, isang projector, ilang binoculars, granada, sampung backpacks, dalawang cellphone, anti-personnel mines at ilang subversive documents.
Samantala, inihayag ni Iloilo Police Provincial Office (IPPO) director Col. Gilbert Gorero na mananatiling vigilant o mapagmatyag ang mga Ilonggo cops matapos ang naturang sagupaan.