Kumukonsumo ang isang average Japanese person ng 10 grams ng asin sa isang araw.
Doble ito sa inirekomendang less than 5 grams na sodium intake ng World Health Organization (WHO).
Dahil dito, nagbenta ang Japanese company na Kirin ng isang battery-operated na kutsara na nagpapaalat sa pagkain!
Ito ang tinatawag na Electric Salt Spoon.
Gawa ang Electric Salt Spoon sa plastic at metal na pinapagana ng rechargeable lithium battery.
Inimbento ito upang maging malasa pa rin ang pagkain, kahit wala itong asin.
Naging posible ito sa pamamagitan ng pagpasa ng mahinang electric current sa dulo ng kutsara na nagco-concentrate ng sodium ion molecules sa dila na nagpapaalat sa panlasa.
Mabibili online ang Electric Salt Spoon sa halagang ¥19,800 o mahigit P7,600.
Iniuugnay ang sobrang sodium intake sa pagtaas ng kaso ng high blood pressure, stroke, sakit sa puso, at iba pa, kaya malaking tulong ang pagbabawas ng pagkonsumo ng asin.
Habang mas gusto nating kumain ng malasa at masasarap na pagkain, mahalaga pa rin na una nating isaalang-alang ang ating kalusugan.
Sa Pilipinas, kung saan mataas din ang sodium intake na 10.4 grams ng asin kada araw, posibleng maging kapaki-pakinabang ang teknolohiya na katulad ng Electric Salt Spoon.