Nag-alok ng amnesty ang bansang Kuwait para sa mga undocumented Overseas Filipino Workers o OFW na nagta-trabaho sa nasabing bansa.
Ito’y para bigyang pagkakataon ang mga overstaying OFW na maka-uwi sa Pilipinas nang hindi na kailangang magbayad ng multa.
Inanunsyo ng Kuwaiti government ang pagbibigay ng naturang amnesty ilang araw matapos magdeklara ng deployment ban ang Department of Labor and Employment o DOLE.
Dahil dito, dagsa ang mga undocumented OFW sa embahada ng Pilipinas sa Kuwait para kunin na ang pagkakataon na makabalik na sa bansa.
—-