Nanawagan ang pinuno ng Kuwait sa Gulf Arab States para tapusin na ang diplomatic dispute sa Qatar.
Sinabi ni Sheikh Sabah Al Ahmad Al Jaber Al Sabah na umaasa siyang mareresolba na ang krisis sa pamamagitan ng isang dialogue.
Ayon sa Kuwait ruler, tiwala silang gaganda muli ang ugnayan ng mga Gulf Arab States sa Qatar bago matapos ang holy month ng Ramadan o bago mag Hunyo 26.
Dapat na aniyang tapusin ang aniya’y tinaguriang worst regional split sa mga nakalipas na taon dahil ang bawat partido ay may tungkuling palakasan ang regional unity.
By Judith Estrada – Larino