Binitay na ang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Jakatia Pawa sa Kuwait Enero 25, alas-3:19 ng hapon, oras sa Pilipinas.
Kinumpirma ito ni Assistant Secretary Charles Jose, ang tagapagsalita ng DFA o Deparment of Foreign Affairs.
Si Pawa ay napagbintangan lamang sa pagpatay sa anak ng kanyang employer.
Sa press briefing kanina, sinabi ni Jose na ginawa nila ang lahat para maisalba ang buhay ni Jakatia mula pa noong 2007.
Ito ang unang pagkakataon na may pinoy na inexecute sa Kuwait.
Tinig ni DFA Spokesman Asec. Charles Jose
By: Meann Tanbio