Pumayag na ang Kuwait sa mga inilatag na kundisyon ng Pilipinas kapalit ng pagtanggal sa deployment ban sa kanilang bansa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III ilalagay ang mga kundisyong ito sa Memorandum of Understanding o MOU na lalagdaan ng magkabilang panig.
Sa sandaling malagdaan ang MOU, bawal nang kumpiskahin ang cellhone at pasaporte ng OFW at bawal rin ang palitan ng manggagawa sa pagitan ng mga employers.
Gayunman, nilinaw ni Bello na kahit pa malagdaan na ang MOU, tanging ang ban sa pagpapadala ng skilled workers lamang ang irerekomenda niyang matanggal.
—-