Bubuksan na para sa publiko ang isang kuweba sa Israel bilang pilgrimage site na pinaniniwalaang libingan ng midwife na nagpaanak umano sa Birheng Maria.
Nadiskubre ng mga eksperto ang kuweba taong 1982 at nakahanap ng mga artifacts na nagpapatunay sa mga nakasaad sa Book of James.
Samantala, may nahukay pang karagdang artifacts ang mga eksperto sa gitna ng kanilang paghahanda na siyang nagpapatunay sa existence ni Salome.
Mababatid na lumitaw si Salome sa Gospel of James bilang isang kasama ng hindi pinangalang midwife sa Nativity of Jesus. —sa panulat ni Hannah Oledan