Pumanaw na ang itinuturing na haligi ng Philippine showbiz na si German Moreno o mas kilala bilang “Kuya Germs” sa edad na 82 dahil sa cardiac arrest.
Kinumpirma ni John Nite na sumakabilang buhay ang kanyang tiyuhin habang nakaratay sa Saint Luke’s Medical Center sa Quezon City, alas-3:20 kaninang madaling araw.
Enero 5 noong isang taon nang makaranas ng mild stroke si Kuya Germs na dahilan ng pansamantalang pagtigil nito sa showbiz subalit makalipas ang ilang buwan ay nagbalik ito sa telebisyon.
Nakilala rin si Kuya Germs bilang “Master Showman” dahil sa pagiging host sa sunday noontime show ng GMA-7 na GMA Supershow simula pa noong dekada 70, That’s Entertainment at Walang Tulugan.
Ilalagak ang labi ni Kuya Germs o German Molina Moreno sa tunay na buhay sa Mount Carmel sa Aurora Boulevard, New Manila, Quezon City.
By Drew Nacino | Jopel Pelenio (Patrol 17)